Paano kung dumating sa punto ng iyong buhay na pipili
ka ng iyong mamahalin? Sino kaya ang pipiliin mo? Yung taong pinapangarap mo o
yung taong kumakatok sa puso mo? Sino nga ba?
Nagtanong-tanong ako sa mga tao kung paano sa
kanila ito nangyari? Sino ba ang pipiliin nila? Yung taong mahal nila pero
hindi naman sila mahal? O yung taong mahal sila pero hindi nila mahal?
Karamihan sa naging sagot nila ay mas
pipiliin nila yung taong kumakatok sa puso nila. Simple lang ang naging dahilan
nilang lahat ito ay dahil madali lang naman daw magmahal ng isang taong
nagmamahal sayo. Mapag-aaralan naman nating silang mahalin. Para din sa kanila
na mas mahirap daw kasi na tayo yung nagmamahal sa isang tao pero wala naming
bumabalik na pagmamahal para sa atin galling sa taong mahal natin. Pare-pareho
ang nakuha kong sagot sa kanila. Sa kabilang dako, may mga tao namang pinipili
ang taong mahal nila. Simple lang din ang naging dahilan. Ang love parang life
hindi lang daw ito puro sarap kailangan mo rin maghirap para makuha yung gusto
mo o yung pinapangarap mo tao man yan o bagay. Kasi kung pipiliin mo daw yung
taong nagmamahal sayo pero hindi mo naman mahal parang niloloko mo lang daw
yung tao pati yung sarili mo dahil nga iniisip niya na mahal mo siya pero hindi
naman talaga. Mahirap daw kasi sabihin na matututunan din natin silang mahalin
pero ang totoo deep inside nasasaktan ka.Mas pipiliin nila ang taong mahal nila
dahil mas masaya sila kapag kasama nila ang taong nagbibigay ligaya at
inspirasyon sa buhay nila.
Para sa aking
sariling opinion, Mas pipiliin ko yung taong mahal ko kahit na hindi ako mahal.
Alam ko masakit. Pero diba nga matututunan din nila tayong mahalin basta
ipaglaban mo na sincere ka talaga sa love mo para sa kanya. Dahil kung hindi,
wala ka na talagang pag-asa para sa taong pinapangarap mo. Tama nga ang sabi
nila, dapat matuto tayong paghirapan kung anong bagay o tao ang gusto nating
makuha. At matuto tayong ipaglaban ang isang taong mahal natin. Dahil hindi mo
naman makukuha ang gusto mo kung wala kang ginagawang effort para makuha ito.
Piliin natin
kung anong magpapaligaya at magpapasaya sa atin kaysa naman piliin natin yung
taong pinipiliit nating mahalin. We have to fight for the one we love. Work for
what we want. Piliin mo yung taong mahal mo kasi kahit na saktan ka niya, kahit
ilang ulit ka niyang itulak palayo, ikaw pa rin ang pipiliin niya dahil alam
niya na sayo lang siya sasaya. Tandaan lang natin ito. Loving someone who
doesn’t love us is like watching a star, you know you can never reach but you
just have to keep on trying. Why not? Stars can fall, right? Pero nasa inyo pa
rin kung sino ba talaga ang pipiliin niyo. MAHAL MO O MAHAL KA?
No comments:
Post a Comment